Natutulog Ba Ang Diyos
Gary Valenciano
Natutulog Ba Ang Diyos 歌詞
Bakit kaya? Bakit ka ba naghihintay?
Na himukin pa, pilitin ka ng tadhana?
Alam mo na kung bakit nagkakaganyan
Lumulutang, nasasayang ang buhay mo
At ang ibinubulong ng iyong puso
'Natutulog ba ang Diyos? Natutulog ba?'
Bat ikaw ay kaagad sumusuko?
Konting hirap at munting pagsubok lamang
Bakit ganyan? Nasaan ang iyong tapang?
Naduduwag, nawawalan ng pag-asa
At iniisip na natutulog ba
'Natutulog ba ang Diyos? Natutulog ba?'
Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain , natutulog ba ang Diyos?
Ang buhay mo ay mayrong halaga sa kanya
♪
Dapat nga ba na ikaw ay maghintay
At himukin pa, pilitin ka ng tadhana?
Gawin mo na kung ano ang nararapat
Magsikap ka at magtiwala sa Maykapal
Nakahanda ang Diyos umalalay sa yo
Hinihintay ka lang, kaibigan
Sikapin mo, pilitin mo, tibayan ang iyong puso
Tanging ikaw ang huhubog sa iyong bukas
Huwag mo sanang akalain, natutulog ba ang Diyos?
Ang buhay mo ay mayrong halaga sa kanya